Kung gusto mong maiwasan ang hassle na ‘to, keep reading. May
mga tips kaming nilista mula sa mga naka-experience o nakaranas
mismo nito.
Overheating Laptop? Maiiwasan Nga Ba ‘To?
Bigla bang uminit ang laptop habang nasa gitna ng importanteng
deadline o tuloy-tuloy na panood ng series na inaabangan mo?
Nakakakaba ‘di ba? Minsan pa nga, nakakainit din ng ulo ‘pag napunta
ka sa sitwasayong ito.
‘Wag na ‘wag mong ipatong ang laptop sa kahit anong soft
surface. Kung ikaw ay nasa sofa o nasa kama, maglagay ng laptop
stand o gumamit ng portable laptop table. Kahit na ang 30
minutes na pagpapatong sa mga soft surface lalo na kung mainit
ang panahon ay #1 kalaban ng
[laptop.](https://www.homecredit.ph/promos/back-to-school)
Ang normal usage ng laptop ay umaabot up to 8 hours daily.
Imagine ang hirap ng makina sa loob nito. Tulungan mo ang laptop
mo sa pag-check kung may bara o haring ang mga air vents nito.
Isang technique na mula sa mga IT people o ‘yung mga nagaayos ng
laptop at iba pang mobile devices sa opisina ay ang pagtatapat
ng laptop sa electric fan o pagtutok ng electric fan dito. May
certain temperature kasi na ideal para ‘di mag-overheat ang
laptop.
Madalas, ‘di mo namamalayan na overcharged na ang laptop lalo na
‘pag umiiwas ka sa low batt lalo na kung nasa lugar ka na
madalas may power interruption o biglang nawawalaan ng kuryente.
Pero ugaliin mong i-unplug ang laptop mo kung tapos na itong
mag-charge. Ang bloated battery ay isang major cause ng pag-init
ng laptop.
Dahil nga wantusawa ang paggamit madalas ng laptop, karaniwang
naka-standy by mode lang ito.
Tapos itatago mo na sa bag mo, tama? Sa susunod, i-shut down ang
laptop kung ‘di mo ito ginagamit. Parang tao din ang laptop,
kailangang ng tamang pahinga para laban ulit sa susunod na araw
o gabi ng matinding paggamit para sa trabaho, negosyo o
pagaaral.
Sino bang ‘di guilty sa ‘di paglilinis ng laptop? Mag-set ng
time para tanggalin o i-deep clean ang laptop. Ang pag-build up
ng mga particles sa loob ng laptop ay isa din cause ng blockage
na nakakaapekto sa performance ng laptop. Tandaan, ang
overheating laptop ay mas may chances na magka-lag o mag-hang
ito.
Pumili ng laptop na may reviews from legit customers and users
na magsasabi kung subok ba ang quality ng laptop na tinitignan
mo.
Kung naghahanap ka ng laptop pero ‘di kaya sa isang bagsakan ang
bayaran, [mag-shop on
installment](https://revamp-pilot.homecredit.ph/Apply/Product-Loans/Computers-Laptops-Loans)
ka na dito. 2 valid IDs lang ang kailangan at ready to go ka na.